Everything is set for the QCA Batch 78 Homecoming, Nov. 22   3 comments

How time flies!!! Kelan lang ay nagpapalitan tayo ng mga e-mails, planning about this big event for our batch 78 and in between, tsikahan, tawagan, palitan ng pictures at text, intrigahan, tawanan, tampuhan, tuksuhan, me nagliligawan pa yata, hahaha, even at our age.  Eto, ilang tulog na lang, nandito na ang pinagpaplanuhan natin for almost a year ba (kasama na siguro yung mga pag-uusap ng mga kabatch sa Pinas months before nagkaisa na sige na nga, homecoming tayo!)

Eto na nga yun at salamat sa masisipag nating mga kabatch na talagang nagtrabaho upang mabuo itong dating pangarap lang natin na magkaroon ng isang malaking pagtitipon para sa ating Batch 78. Nandyan si Judy Taruc-Miranda , na mukhang napapabayaan na ang kanyang pritson business para lang sa homecoming na to, si Donna Florentino-David na mula pa sa umpisa ay di matatawaran ang dedication bilang secretary ng grupo, si Gamaliel David at Thor Migrino na sa pagkakaalam ko base sa mga emails ay runner, driver, delivery guy din ng group, si Aracely Pangilinan-Bote na tahimik lang pero nababanggit once in a while sa mga emails na very involved din sa efforts,  ang de los Reyes brothers, Conrado and Fortunato,  who also assist in their own kahit na busy sa kani-kanilang businesses, sila Rolly Mendoza and Maam Rhoda who are always there to lend their support and everyone else who have been attending the meetings to contribute in whatever ways they could for the Homecoming like Bernard and Flor Castaneto, Pfootsy Lanot, Evelyn Valdez-Mercurio, Raymond Valdez, Liza de los Reyes-Balano, Jay Dumandal and many more, pardon me kung di ko kayo nasama.  Of course, dapat din nating banggitin ang mga kabatch natin na although di sila nakakasama sa mga meeting because of very hectic schedules have been supporting the group efforts like Maximo Carvajal, Marivic Castillo and many more batchmates who could not attend the meetings but they will always be there in spirit.

Of course, ayaw ko sanang buhatin ang sarili kong silya, dapat din sigurong bigyan natin ng pansin ang mga kabatch na nasa labas ng  Pinas katulad ko na kahit wala kami dyan at hindi makakadalo ng Homecoming ay para bang mas excited pa kami para sa mga ka-batch na dadalo ng Homecoming sa November 22.  May dalawa kaming representatives na dadalo dyan, si Erlington Areglo na taga-Singapore at si Amy delos Reyes-Nuguid na taga-LA at kami ang inggit na inggit sa kanila na sila ay makakauwi  at makakahalubilo kayong mga kabatch dyan sa Homecoming.  Gusto kong bigyan din ng halaga ang ginawa ni Erlington na tumulong sa pagkakaroon ng video para sa Homecoming kahit na bising bisi sya sa trabaho nya.  Kami naman dito sa ibang bansa ay gusto ring makatulong sa inyo dyan anuman ang aming makakayanan at sana naman ay nakatulong nga kami sa inyo kahit sa maliit na paraan lamang. Alam namin ang mga sakrispiyo na ginawa ng mga kabatch natin dyan para sa Homecoming at sana naman ay kami rito sa ibang bansa ay hindi nakaabala o nakapagpabagal ng inyong mga ginagawa namin dyan.  Kung alam nyo lang ang sarap ng nararamdaman namin na makabasa ng mga emails sa bawat isa sa inyo,  be it about the Homecoming, forwards, o wala lang.  Pasensya na kayo sa amin na tinatambakan kayo ng emails about anything under the sun, kahit na tungkol sa election dito sa US, but we just love connecting with all of you and we certainly appreciate your responses whatever they are. In behalf of all overseas batchmates (from the US: Gracia Matro de la Paz, Mary Anne Martinez-de la Cruz, Grace Dacanay-Worthington, Gladys Mantoya-Sumulong, Ronnie James Costes, Amy de Los Reyes-Nuguid, Angelito Mangune, Bennie Grande, Liza Abbas-Manous; from Canada: Lester Marinas, Elisa Ramos-Malabed, Melita Bagunu-de Jesus and Herbert Ramos;  from Singapore, Erlington Areglo, from Dubai, William Tingson; from Australia, Cristeta Figueroa-Lusica, and Arsenio Javier; and Gwendolyn Saguisin-Pimentel from New Zealand, and all others whom we are still trying to include in the group), WE SALUTE ALL OF YOU THERE IN THE PHILIPPINES FOR MAKING THIS HOMECOMING POSSIBLE! HURRAY TO ALL OF YOU.

We will be monitoring the Homecoming from here. Narinig namin na magoonline kayo dyan with webcam starting at 6 pm there. Karamihan sa amin dito sa US at Canada ay nananaginip pa sa oras na yan, pero I will try because I know it’s an experience of a lifetime.  Alam ko may video of the homecoming pero iba pa rin pag live di ba? So mga kabatch sa abroad, don’t forget to wake up early on November 22, starting at 6 pm, Philippine time, 5 am Eastern time,  am Mountain time, 2  am Pacific time, 1 am Hawaii Time.  Mas mabuti pa yata ang mga taga Australia at New Zealand and even Dubai, convenient sa kanila ng time ng reunion, so please get on line for the Homecoming if you can!

If we can’t make it online on that big night, we will be with you in spirit wherever we are and we will be excitedly waiting for the pictures and video as soon as they become available.  WE WISH YOU A SUCCESSFUL AND ENJOYABLE HOMECOMING AND HAVE FUN!

                                                     ROSARIO CABER-GUILLON, from Michigan, USA

Advertisement

Posted November 19, 2008 by qca78 in Activities

3 responses to Everything is set for the QCA Batch 78 Homecoming, Nov. 22

Subscribe to comments with RSS.

  1. hello barchmates,
    paumanhin sa inyong lahat, medyo abala talaga ako. dito ako ngayon sa aklan. dito nagdaraos ng pulong ang dpwh (sobrang gastos, ano?). habol na lng ako sa homecoming, medyo mahuhuli lang siguro ako ng konti dahil hanggang sabado pa kmi dito.

  2. Salamat Temz, Salamat mga batchmates dyan sa abroad

    Kahit malayo kayo sa amin parang nandito lang kayo dahil sa madalas nating paguusap sa email. Ano kayo kung ngayon pa lang mag-set na tayo ng 35th homecoming para maiplano na ang paguwi at pagiipon ng pamasahe ng lahat ng batchmates outside Pinas. Of course may mga gagawin pa din kami ditong mini-reunion everytime na may uuwi from time to time.

    24 hours from now mag-online na tayo!

  3. Ok yang idea mo Raymond! Ngayon pa lang magpafile na kami ng leave at mag-iipon ng pamasahe at pambaon hehehe. Anyway, when one of us will visit the PI anytime soon, we will let you know para laging me mini-reunion tayo dyan. Si Meanne nga naka-set na sa January 2010 uuwi ang buong family nya, di na Meanne, so watch out for that.

    O sige, magkita-kita tayo mamaya-maya lang, kung magising kami. Sabi ni Judy, bubulabugin nya kami pag nag-umpisa na ang program nyo dyan. Hopefully, magising kami. See you!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.